Saturday, September 8, 2012

Sabjek: Kahapon, Ngayon at Bukas ( Filipino III)

Bilang ng Aralin:  Blg.3

Layunin ng Aralin:Ang araling ito ay naglalayong makapagbigay ng reaksyon ang mga mag-aaral sa
                               pagkakabuo ng akda batay sa mga kaisipan/ ideya tungkol sa tauhan at mga
                               pangyayari.

Kasanayan: Nakapagbibigay ng reaksyon sa pagkakabuo ng akda batay sa mga kaisipan/ ideya tungkol sa tauhan at mga pangyayari.

Pangganyak:
      Ano  ang pinakadakilang ambag ng mga Kastila sa Pilipinas? I-click sa site na ito.http://ph.answers.yahoo.com/question/index?qid=20070414015112AAw2knJ

     Ano naman ang pinakadakilang ambag ng mga Amerikano sa Pilipinas? I-click sa site na ito.http://wiki.answers.com/Q/American_contribution_to_the_Philippines

Paglalahad ng Aralin: Basahin ang kabuuan ng dulang "Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino sa site na ito at sikaping masagutan ang mga tanong na kasunod bilang pagsusuri sa akda.http://aileendcasas.blogspot.com/2010/08/kahapon-ngayon-at-bukas-ni-aurelio.html.

Upang mas madaling maunawaan ang dula, basahin din ang buod ng akda sa site na ito.http://tl.answers.com/Q/Buod_kahapon_ngayon_at_bukas_ni_aurelio_tolentino

Ebalwasyon:Matapos basahin ang akdang Kahapon, Ngayon at Bukas, sagutin ang mga sumusunod na tanong bilang pagtataya kung naunawaan ang binasang akda.

Ibigay ang iyong reaksyon sa pagkakabuo batay sa mga kaisipan, ideya tungkol sa tauhan at mga pangyayari.Gamitin ang mga sumusunod na pahayag sa pagbibigay ng reaksyon.

1. "Ang dugong iya'y maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat . Datapwa't kung magsusukab sa buhay niya'y maging lason at kamandag."
Reaksyon:__________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. "Mga malulupit, mga sakim, hindi pa ba nagkasya sa inyo ang pangangamkam sa lahat ko at ngayon, ako pa ang gagapusin ganitong kahina ako, walang ilalabas na nag-iisa."
Reaksyon: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. "Ang matapat ay mabubuhay, ang magtaksil ay mamamatay."
Reaksyon:___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

4. "Mga mangmang!Ang mga taong ito'y mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop, kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong magsipamuhay ngunit ang mga taong ito ay hindi."


No comments:

Post a Comment