Saturday, September 8, 2012


Sabjek: Ang Guryon  ( Filipino III)

Bilang ng Aralin : Blg.2 

Layunin ng Aralin: Ang araling ito ay naglalayong makabuo ang mga mag-aaral ng mga tiyak na
                               matulaing imahe batay sa saknong  ng tula.

Kasanayan: Nakabubuo ng mga tiyak na matulaing imahe batay sa mga saknong at kabuuan ng akda.

Pangganyak: Pansinin ang dalawang larawan ng guryon  sa site na ito .http://www.airplane-and-aircraft.com/types-of-kites.htmlNaranasan mo na bang magpalipad ng saranggola o guryon? Ano ang nadama mo sa  simula ? Bakit?

Paglalahad ng Aralin: Basahin at unawain ang kabuuan ng tulang "Ang Guryon" sa site na ito.http://myegotism.wordpress.com/2011/08/10/ang-guryon-ni-ildefonso-santos/

Pagtalakay sa Paksa:
  A. Pagsusuring Panglinggwistika
     1. Basahin ang sumusunod na saknong at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.
            Tanggapin mo anak, itong munting guryon
             na yari sa patpat at papel de hapon
             Magandang laruang pula, puti, asul
            na may pangalan mo sa gitna naroon

        a. Tukuyin ang sukat ng tula ___________________________________
        b. May pinag-isang tunog ba sa huling pantig ng bawat taludtod?Magbigay ng mga patunay.
           ________________________________________________________________________
           ________________________________________________________________________
        c. Anong tugma ang ginamit?
            ________________________________________________________________________
B. Pagsusuring Pangnilalaman
     1. Piliin ang kaisipang inilahad ,ideyang lumutang at paniniwalang pinaninindigan sa akda at
         ibigay ang sariling interpretasyon ukol dito.
 C. Pagsusuring Pampanitikan
    1. Ang tulang "Ang Guryon" ay may anim na saknong. Ibigay ang matulaing imahe na mabubuo
        sa bawat saknong.
      a.Saknong 1 _______________________________________________________
  
      b. Saknong 2 ______________________________________________________

      c. Saknong 3 ______________________________________________________

      d. Saknong 4 ______________________________________________________

      e. Saknong 5 _____________________________________________________

      f. Saknong 6 _____________________________________________________

D. Pagbuo ng Sintesis
     Sa pangkalahatan, anong matulaing imahe ang mabubuo buhat sa tula ?

Ebalwasyon: Sagutin ang mga sumusunod na aytem sa ibaba.
    1. Saan inihambing ang guryon?
         a. buhay                   b. kabataan                c. pag-ibig                        d. pagsubok

    2. Ano ang kahulugan ng pisi batay sa gamit nito sa akda?

        a. kalooban               b. desisyon                 c. pasensiya                     d. katatagan
    3. Alin sa mga sumusunod na matulaing imahe ang nangangahulugang pagsubok?
        a. hangin                   b. pisi                         c. papawirin                     d. wala sa nabanggit
   
    4. Alin sa mga sumusunod na matulaing imahe ang nangangahulugang kabiguan sa buhay
       a. marupok ang guryon                                                  b. malikot ang guryon
       c. ihalik sa Diyos  ang guryon                                       d. sumubsob sa lupa ang guryon
   5. Anong matulaing imahe ang nais ipakita ng sumusunod na saknong ng tula?
            Tanggapin mo anak itong munting guryon
            Na yari sa patpat at papel de hapon
            Magandang laruan, pula puti asul
           Na may pangalan mo sa gitna naroon.



   






      








No comments:

Post a Comment