Saturday, September 8, 2012

Sabjek: Kahapon, Ngayon at Bukas ( Filipino III)

Bilang ng Aralin:  Blg.3

Layunin ng Aralin:Ang araling ito ay naglalayong makapagbigay ng reaksyon ang mga mag-aaral sa
                               pagkakabuo ng akda batay sa mga kaisipan/ ideya tungkol sa tauhan at mga
                               pangyayari.

Kasanayan: Nakapagbibigay ng reaksyon sa pagkakabuo ng akda batay sa mga kaisipan/ ideya tungkol sa tauhan at mga pangyayari.

Pangganyak:
      Ano  ang pinakadakilang ambag ng mga Kastila sa Pilipinas? I-click sa site na ito.http://ph.answers.yahoo.com/question/index?qid=20070414015112AAw2knJ

     Ano naman ang pinakadakilang ambag ng mga Amerikano sa Pilipinas? I-click sa site na ito.http://wiki.answers.com/Q/American_contribution_to_the_Philippines

Paglalahad ng Aralin: Basahin ang kabuuan ng dulang "Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino sa site na ito at sikaping masagutan ang mga tanong na kasunod bilang pagsusuri sa akda.http://aileendcasas.blogspot.com/2010/08/kahapon-ngayon-at-bukas-ni-aurelio.html.

Upang mas madaling maunawaan ang dula, basahin din ang buod ng akda sa site na ito.http://tl.answers.com/Q/Buod_kahapon_ngayon_at_bukas_ni_aurelio_tolentino

Ebalwasyon:Matapos basahin ang akdang Kahapon, Ngayon at Bukas, sagutin ang mga sumusunod na tanong bilang pagtataya kung naunawaan ang binasang akda.

Ibigay ang iyong reaksyon sa pagkakabuo batay sa mga kaisipan, ideya tungkol sa tauhan at mga pangyayari.Gamitin ang mga sumusunod na pahayag sa pagbibigay ng reaksyon.

1. "Ang dugong iya'y maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat . Datapwa't kung magsusukab sa buhay niya'y maging lason at kamandag."
Reaksyon:__________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. "Mga malulupit, mga sakim, hindi pa ba nagkasya sa inyo ang pangangamkam sa lahat ko at ngayon, ako pa ang gagapusin ganitong kahina ako, walang ilalabas na nag-iisa."
Reaksyon: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. "Ang matapat ay mabubuhay, ang magtaksil ay mamamatay."
Reaksyon:___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

4. "Mga mangmang!Ang mga taong ito'y mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop, kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong magsipamuhay ngunit ang mga taong ito ay hindi."



Sabjek: Ang Guryon  ( Filipino III)

Bilang ng Aralin : Blg.2 

Layunin ng Aralin: Ang araling ito ay naglalayong makabuo ang mga mag-aaral ng mga tiyak na
                               matulaing imahe batay sa saknong  ng tula.

Kasanayan: Nakabubuo ng mga tiyak na matulaing imahe batay sa mga saknong at kabuuan ng akda.

Pangganyak: Pansinin ang dalawang larawan ng guryon  sa site na ito .http://www.airplane-and-aircraft.com/types-of-kites.htmlNaranasan mo na bang magpalipad ng saranggola o guryon? Ano ang nadama mo sa  simula ? Bakit?

Paglalahad ng Aralin: Basahin at unawain ang kabuuan ng tulang "Ang Guryon" sa site na ito.http://myegotism.wordpress.com/2011/08/10/ang-guryon-ni-ildefonso-santos/

Pagtalakay sa Paksa:
  A. Pagsusuring Panglinggwistika
     1. Basahin ang sumusunod na saknong at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.
            Tanggapin mo anak, itong munting guryon
             na yari sa patpat at papel de hapon
             Magandang laruang pula, puti, asul
            na may pangalan mo sa gitna naroon

        a. Tukuyin ang sukat ng tula ___________________________________
        b. May pinag-isang tunog ba sa huling pantig ng bawat taludtod?Magbigay ng mga patunay.
           ________________________________________________________________________
           ________________________________________________________________________
        c. Anong tugma ang ginamit?
            ________________________________________________________________________
B. Pagsusuring Pangnilalaman
     1. Piliin ang kaisipang inilahad ,ideyang lumutang at paniniwalang pinaninindigan sa akda at
         ibigay ang sariling interpretasyon ukol dito.
 C. Pagsusuring Pampanitikan
    1. Ang tulang "Ang Guryon" ay may anim na saknong. Ibigay ang matulaing imahe na mabubuo
        sa bawat saknong.
      a.Saknong 1 _______________________________________________________
  
      b. Saknong 2 ______________________________________________________

      c. Saknong 3 ______________________________________________________

      d. Saknong 4 ______________________________________________________

      e. Saknong 5 _____________________________________________________

      f. Saknong 6 _____________________________________________________

D. Pagbuo ng Sintesis
     Sa pangkalahatan, anong matulaing imahe ang mabubuo buhat sa tula ?

Ebalwasyon: Sagutin ang mga sumusunod na aytem sa ibaba.
    1. Saan inihambing ang guryon?
         a. buhay                   b. kabataan                c. pag-ibig                        d. pagsubok

    2. Ano ang kahulugan ng pisi batay sa gamit nito sa akda?

        a. kalooban               b. desisyon                 c. pasensiya                     d. katatagan
    3. Alin sa mga sumusunod na matulaing imahe ang nangangahulugang pagsubok?
        a. hangin                   b. pisi                         c. papawirin                     d. wala sa nabanggit
   
    4. Alin sa mga sumusunod na matulaing imahe ang nangangahulugang kabiguan sa buhay
       a. marupok ang guryon                                                  b. malikot ang guryon
       c. ihalik sa Diyos  ang guryon                                       d. sumubsob sa lupa ang guryon
   5. Anong matulaing imahe ang nais ipakita ng sumusunod na saknong ng tula?
            Tanggapin mo anak itong munting guryon
            Na yari sa patpat at papel de hapon
            Magandang laruan, pula puti asul
           Na may pangalan mo sa gitna naroon.



   






      








Saturday, September 1, 2012

Mga Elemento ng Tula

Sabjek: Filipino III

Bilang ng Aralin: Blg. 1

Layunin ng Aralin: Ang araling ito ay naglalayong makilala ang mga iba't ibang elemento ng tula

Kasanayan: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang makilala ang mga iba't ibang elemento ng tula.

Pangganyak: Basahin ang mga sumusunod na taludtod sa ibaba:

                      Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
                      Sa kanyang salitang kaloob ng langit
Mga Tanong:
           1. Ilang pantig mayroon ang unang taludtod? ang ikalawang taludtod?
           2.  Ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
           3. Pansinin din ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod? Magkakatugma ba ang mga ito?
           4. Ano ang tawag sa pagkakatulad ng tugma sa hulihan ng bawat taludtod?
Paglalahad ng Aralin:
Ang tula ay nagtataglay ng iba pang  elemento maliban sa sukat at tugma. Para makilala ang iba pang Mga Elemento ng tula .i-click sa website na ito http://www.slideshare.net/rosemelyn/elemento-ng-tula-1129802

 Upang lalong maunawaan ang aralin i-click http://teksbok.blogspot.com/2010/09/mga-elemento-ng-tula.html

Evaluation: Sagutin ang mga sumusunod na bilang  sa site na itohttp://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=elemento-ng-tula